Tao ka pa bang maituturing?

May mga tao talagang nagiging masaya sa pagbagsak ng iba. Paano nila nakakayang maging matagumpay sa pagsira ng buhay ng ibang tao. Sabi nga nila likas daw sa mga Pinoy ang “crab mentality” pero naniniwala ako na nasa tao pa din talaga nakakasalalay ang lahat.

Nakakalungkot na sa mundong ginagalawan mo, bukod pa sa problema ng kahirapan, sa problema ng kapayapaan sa mundo ay patuloy kang nakikibaka at nakikilusong sa agos ng buhay ng tao. Hindi mo na alam kung minsan kung saan ka lalagay, sa tama ba o sa mali o sa pagiging walang pakielam.

Masyadong maraming mapanghusga, mapang apak at kung may patas mang lumaban ay kaunting unti na lang.

Kailan kaya mangyayari na sa mundo lahat ay pantay-pantay? Maaring nakatataas nga iba, pero patuloy sila sa pagtulong at pag-intindi sa mga taong naapaligid sa kanila.

Sana sa pag-angat ng isa, ay ang pag-unlad din ng iba.

One thought on “Tao ka pa bang maituturing?

Leave a comment