Nakakapagod

Umasa akong sa pagpasok ng 2021, magiging ok na ang lahat. Nakalampas na nga yung taong 2020 na di mo man lang naramdaman dahil sa pandemya.

Sa trabaho, hindi na naging maswerteng tawagan para mag-umpisa, nakalipas na 1 linggo bago pa nakapagsimula.

Nakaka ilang araw palang ang taon 2021, nakakasuko na. Literal na nakakapagod na, hindi mailalarawan ng salitang PAGOD yung mga nararamdaman ko. Nangako ko sa sarili kong iiwasan ko ng maging vocal sa mga naiisip ko o napupuna ko, pero sinubok na agad ng sitwasyon.

Yung kailangan mong di sumuko pero durog na durog ka na. Ang hirap naman po ng buhay. 😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭

Leave a comment