Ano nga ba talaga ang kahulugan ng tunay na “bayani”?

Bayani o sabihin na nating “hero” sa salitang ingles. Ayon kay Merriam Webster “A hero is:a man admired for his achievements and noble qualities or one who shows great courage.” 

In short, ang bayani ay nagtataglay ng katapangan at kabayanihan. 

Kapag itinanong mo ang isang bata na magbigay ng halimbawa ng mga bayani, maaring isagot nila sa iyo ay yung Nanay o yung Tatay nila, si Dr. Jose Rizal, mga sundalo o ang paborito nilang superhero. Di ba? Ano ang  pagkakapare-pareho nila? Isa lang ang dumadaloy sa kanila ang katapangan, ang pagmamahal at ang pagiging isang mabuting ehemplo sa mga tao. 

Sa isyung politikal sa Pilipinas  tungkol sa pag apruba ng Korte Suprema sa paghihimlay ng dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani, ay nanumbalik ulit sa nakararami, higit na sa mga nabiktima at nakaranas ng kalupitan ng Rehimeng Marcos ang sakit ng nakaraan. 

Nahati ang taong bayan sa usaping ito. Maraming nadismaya at mayroon din iilan  ang natuwa sa naging risulta nito. 

Napaisip ako sa sandaling  nalaman ko ang nasabing balita. Mali ata ang pagkakaalaman ko sa salitang “bayani”. 

Hindi pa ako ipinapanganak sa panahong nailuklok siya bilang Pangulo pero hindi lingid sa kaalaman ko ang nangyari sa panahon ng “Martial Law” ayon na rin sa napag-aralan ko sa Pilipinas. Naging maunlad ang Pilipinas noong mga panahong iyon, naging isa sa pinakamaunlad sa buong Asya. Ibang iba nga daw ang Pilipinas noong mga panahong iyon, pero hindi matatabunan ng karangyaan ang ibang mukha ng medalya, hindi lingid sa kaalaman ko at ayon na din sa naituro sa akin ng mga naging propesor at guro ko na ang bilang ng mga namatay ay madami-dami rin sa rehimeng Marcos.

May mga kume-kwestiyon at nagsasabi na bakit ang kadalasan ng biktima ay mga edukado at mga mayayaman lamang? Pero sa palagay ko kahit ano pa man sila, naging biktima pa din sila. 

Nangagarap pa din ako na sana ipagpatuloy ng mga guro (na walang kahit anumang partidong kinikilingan) at sa mga responsableng Pilipino na ipaalaman ang nangyari sa nakaraan. Huwag sanang ibaon sa limot ang nakaraan. Isulat sana sa mga libro ng Kasaysayan ang mga pangyayari ng buong  katotohanan lamang. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s